Saturday, May 27, 2023

Halo-halo 1

 Alam mo yung galing ka sa meeting at naghalo-halo na ang mga problema at nais mong gawin o kaya di bale nilang?

O yung mga halo-halong lamang ng meeting na kayhaba-haba na tila bagang walang tutuntunan?

O kaya naman mga halo-halong meeting na wala lang, chill-chill lang kung may magawa o wala?

O parang mga halo-halong meeting na nakaka-ADHD na?

Hindi ganun ang Halo-halo 1. Dahil itong Halo-halo 1 ay parang nanumbalik ang mga dating halo-halong emosyon ko sa mga panahong tanong ko lang kay Lord, bakit nga ba ganito ang role ko sa buhay sa trabaho, mula sa COLF, pa-BS, pa-Builders, pa-BA hanggang sa pa-UPOU. Tipong may maseselan na usapan na dapat may halong 'care, caution and truthfulness because that is the only way to go'. At para kanino? Alang-alang sa pakikipagkapwa-tao.

Kung nuon, maka-3 araw na masakit sa dibdib at may luha, pagtataka at pagtatanong.

Ngayon, tumanda na ko talga. Tinandaan ko ang mga panahong gayun na lamang ang kailangan gawin ang katumbas nito sa utak, dibdib at alaala. Kung kaya't ngayon natuto na si Aleta.

When the PhD changes you, you just eat and relish the Halo-halo because life is short and we just carry on. This time, the tunnel feels familiar more than ever.

I carry on these days thanks to my cats, my loved ones, Netflix, Video reels and da-Lord.