Saturday, May 27, 2023

Halo-halo 1

 Alam mo yung galing ka sa meeting at naghalo-halo na ang mga problema at nais mong gawin o kaya di bale nilang?

O yung mga halo-halong lamang ng meeting na kayhaba-haba na tila bagang walang tutuntunan?

O kaya naman mga halo-halong meeting na wala lang, chill-chill lang kung may magawa o wala?

O parang mga halo-halong meeting na nakaka-ADHD na?

Hindi ganun ang Halo-halo 1. Dahil itong Halo-halo 1 ay parang nanumbalik ang mga dating halo-halong emosyon ko sa mga panahong tanong ko lang kay Lord, bakit nga ba ganito ang role ko sa buhay sa trabaho, mula sa COLF, pa-BS, pa-Builders, pa-BA hanggang sa pa-UPOU. Tipong may maseselan na usapan na dapat may halong 'care, caution and truthfulness because that is the only way to go'. At para kanino? Alang-alang sa pakikipagkapwa-tao.

Kung nuon, maka-3 araw na masakit sa dibdib at may luha, pagtataka at pagtatanong.

Ngayon, tumanda na ko talga. Tinandaan ko ang mga panahong gayun na lamang ang kailangan gawin ang katumbas nito sa utak, dibdib at alaala. Kung kaya't ngayon natuto na si Aleta.

When the PhD changes you, you just eat and relish the Halo-halo because life is short and we just carry on. This time, the tunnel feels familiar more than ever.

I carry on these days thanks to my cats, my loved ones, Netflix, Video reels and da-Lord.

Sunday, February 12, 2023

Ikaw at Ako, sa ELYU

 Mahigit kumulang, dalawampu't araw nang nakalipas magmula nung napadpad sa ELYU, ikaw at ako.

Maraming naganap na nagbabalik-luha sa aking mga mata. Subalit pilit pa rin, salamat sa dasal at sa Panginoong Maykapal, na nais kong balikan ang nakakatuwa at munting alaala ng kasiyahan kasama ka. Sabihin na nating panandalian, subalit tunay naman naganap. Praktis na rin sa kin ito bilang nanay mo na desididong gamapanan ang kanyang tungkulin sa paniniwalang may mga bagay-bagay sa buhay natin na nilalaan ng Diyos bilang pagsubok, bilang paalala ng kanyang pagmamahal, pagkalinga at tulad nga ng sabi ng sa pari kanina, isang Diyos ng sanlibo't isang pagkakataon.

Pagkatapos ng una nating f2f sa ospital, at naihatid na namin ang ate mo sa kanyang dorm, at sumaglit kami sa Sweet Inspi, di matanggal sa isip ko ang ilang mga bagay na sinabi mo. Tunay kong nauunawan ang kalagayan at pakiramdam mo subalit sa ngayon talaga, wala pa akong magawa kundi mag-antay at magtiwala na makakatawid ka at tayong lahat sa pagsubok na ito. Marami kaming napagusapan pa rin ng iyong tatay habang pauwi sa C5. At papalapit sa tollgate bago tumuloy sa SLEX, di ko pa rin napigilan ang luha ko. Mahapdi pa rin kahit anong gawin ng isipan at katawan ko. Nadarama ko ang iyong pagtataka at galit nang sinabi mong hinawakan ka sa leeg at akala mo'y kikitilin na ang buhay mo ng kung sinong humahawak sa iyo sa ospital. Ayon sa kwento mo, may nakita kang pader na humihawalay sayo at sa amin. Totoo ang naramdaman mo, dahil ganun din ang pakiramdam ko nang nahiwalay kami sa iyo. Yung wala kaming magawa kundi mag-antay sa labas kwarto mo, na hindi namin man lang nakikita anong itsura mo, anong kalagayan mo, ano nang nangyayari sayo. At bago lahat ng iyon, matagal naming pinag-isipan ng tatay mo kung ito nga ba ang karapat-dapat na mangyari. Kaya kanina binalikan ko rin lahat ng mga nasa isip ko na marahil huli ko nang babalik-balikan ang mga iyon dahil kelangan kong pilitin ang sarili ko na mag-isip ng mga bagay-bagay na higit na makakatulong sa pagbuti ko.

Kaya alam at ramdam ko ang ibig mong sabihin. Siguro para sa iba, batay sa kwento mo, parang walang katututuran ang pinagsasabi mo hanggat di nila makita ang pagsisisi mo. Siguro din nais nilang makita ano pa kaya ang pagbabagong magaganap sa mga susunod na araw.

Minsan may mga araw, nakakapanghina na wala ka pa rin dito. Minsan naman, tuloy pa rin ang buhay ko sa trabaho na kaya pa naman gawin kahit di ka namin kasabay sa hapag kainan. Bumuti-buti na rin ang pagtulog ko. At higit sa lahat, tuloy ang espesyal na mensahe ng Panginoon sa kin at sa min ng tatay mo. Ang mensahe ngayon ay paalala ni Lord na kakayanin ko ito. Ang panahon nating magkahiwalay ay di lang para sa iyo kundi para rin sa kin, magiging taimtim at ganap sa paniniwalang aayos at aayos ang mga bagay-bagay. Kasama sa paniniwalang may pag-asa pa ako at tayo, ililista ko dito magagandang alaala ko:

> ang pag-asikaso mo sa baon natin, lalo na yung mga pakete ng emergency meds

> ang pag-ayos mo ng sarili mong gamit kaya tumambok nang todo ang Targus backpack na pinamana na sayo ng tatay mo (binili ko sa airport ng Malaysia, minsang nag stopover papauwi ng Pinas

> ang pag-ayos at paglipat ng mga bag at gamit natin sa bus station

> pagshare mo sa kin ng vanilla coke

> yung ginising mo ako dahil nasa SF na tayo

> nung pagbaba natin, nauna ka at inabangan mo ko pagbaba mo at inalalayan mo ako

> yung una mo nang kinausap yung Silong resto upang duon tayo mag-antay

> yung naisip mo, order tayo ng umagahan nang pagka-aga-aga

> yung excited ka at na-excite tuloy ako kahit mga 5.30 am pa tayo pinapasok sa transient home

> yung paggising ko, sinama-sama mo sa isang kanto ng kwarto yung gamit mo  

> yung nagtext para magsabi kung nasaan ka na at nagkwento saglit na marami ka nang gawa at abala ka

> nung nagyaya ka nung hapon na tumambay saglit sa beach

> nung hinanapan mo tayo ng lugar para mag-dancing

> nung pag-uwi sabi mo, 'thanks ha, nanay, thank you'

> nung kinaumagahan, binilhan mo ko ng kutsinta

> nung sabi mo kain tayo sa Turtle Beach resort dahil alam mong naghahanap ako ng gulay at naghahanap ka naman ng internet, nakatapos tuloy ako ng pag-tsek ng FMA

> yung niyaya mo ako sa Robinsons SF para makapag-pedicure ako samantalang bibisitahin mo yung gym sa Burgos St.

> nung kinausap mo ako para huminahon nang sa gayon maging maayos ang pag-uwi natin

> nung umagang maaga kang pumasok para makapunta ako sa palengke ng San Juan

> nung sinubukan mong hanapin yung Poka coffeeshop para magkita tayo pagkatapos ng araw mo sa Lorma

> nung sa gitna ng iyong pag-aalala, naisip mong protektahan tayong dalawa at sumunod ka naman sa kin para lumipat tayo ng ibang lugar

> nung nakinig ka mamang nakilala natin sa 7-11

> nung kinausap mo yung mamang lasing upang siya'y kumustahin

> nung naisip mong magbyahe pa Ospital ng Lorma

> nung tinirhan mo ako ng adobong almusal mo kinaumagahan

Ipon ko lahat yang matitinong alaala ng ikaw at ako sa ELYU dahil gustong gusto kong maniwalang di lang yan ang huling pagkakataon natin sa duon.

Sinubukan na naming planuhin ng tatay mo ang muling pagbabalik duon para sa eksam mo at graduation mo. Bibitbitin natin ang lolo't lola mo, kakain tayo sa magandang view ng Kabsat.

Siguro bago dun, mauupo muna kami sa audience habang nag-aantay sa pag-akyat mo sa entablado.

At tatayo kami kapag tawag ng pangalan mo, kasama ng malakas na palakpak at hiyaw mula sa Tata Dindin at Tatay mo. Marahil mapapangiti mo si Cleo. Sigurado akong, maiiyak ako, pero luha ng ligaya marahil na sa wakas, nakarating tayong muli, at masbuong-buo bilang ikaw at ako.

Mahal pala kitang tunay. Hindi pala basta-basta malilimutan ng ina ang kanyang anak. 

Kung si Nezuko nga grabe bantay sa mga kuting nya!



Monday, November 21, 2022

Finalizing the Book Manuscript = Letting go, bit by bit

 Still alive, working on TEH BOOK. It's been approx  730 days, 11 months and half-a-year since I first wrote about it. By 2021, a book proposal approved. An extension for submission was requested and now here we are, finalizing Chapter 1.

I was reading through the Chapter 1 manuscript to distract me a bit while donating blood at the hospital for my father-in-law. My co-author decided to move the prologue - it was a really an important blog for me and for the book. But those are just to my view. That felt like 2 feathers plucked out of me in that chapter. I say to myself, I can live with it, just like the idea of living with real grief and anticipating another in this earthly life. After all, there are other things in life to go for = remaining chapters to go for.

 So, the plucked feathers shall remain in our manuscript drafts or my blog instead. And perhaps the book can live without it. Or I may try to negotiate with my co-author at the right time. Looking at the whole chapter, it felt more together after all.

And here is hoping that I can still manage to keep myself together until the end of 2022, which by the way, I want to be over soon. It felt quite similar to how it was year 2020, but now with less angst, and more of a feeling of surrender, that is leaving God to do his eternal work with my Tita Clem, Tita Nenette and my god daughter Kylene.  We all get to that point anyway, so what else is there to be done?!!!

So, this editing phase and final preparation of our manuscript seems like a parallel experience to these ongoing life events = letting go of people, bit by bit, and still keeping vigil over of my ever-present father-in-law, Lolo Ben. Hold his hand while we still can and simply being together through this process as a family, preparing ourselves for whatever outcome. Just like making sure the book essentials remain, and that the essence of the book is driven across and perhaps more efficiently and effectively less the life drama and still with my identity intact. The book project is no longer really about me, nor my co-author, rather the audience who seek to understand and appreciate what they can from the book. 

Here's is hoping I remain steady for the remaining chapter edits and the year 2022.