Tuesday, November 28, 2017

Arroz Chicken Soup for my Soul

Dahil may tira-tirang chicken breast bones ang aking AirBnb host, nasayangan ako. Bukod sa chicken breast, may pakpak. So pinatulan ko muna yung pakpak bago kinuha ang chicken buto butong may konting laman at ni-ref.

Subalit sa dala na rin ng nais kong magsabaw, tyinaga kong gumawa ng arroz caldo.
Pinakuluan muli ang buto, inantay lumamig, at saka hinimay konti para sa naiiwang chicken laman. Nagdikdik ng bawang, naghiwa ng sibuyas at binudburan ng luya at saffron powder. Pinakuluan pang muli at inantay ang panganghalian.

Ha? Ano kamo? Naghimay ng manok? Nag arroz caldo? Ako!!!

Oo ako. Habang hinimay, dun ko naisip si Vic…ang aking butihing maybahay. Mas maybahay siya kase sa aming dalawa, mas si Vic ang talgang kaya mamalagi sa loob ng bahay para magtrabaho at magluto. Sya ang asawang may tiyagang gawin lahat ng mga iyon para siguraduhing kapag kainan na, magsasama muli kami mula sa aming mga nuknok sa bahay—si Miranda sakwarto na forever nanunuod ng KDrama, Narcos at of course, walang katapusang HW. Si Mauro na marahil nagdrorowing o nagvividyo geym o nagchachat o nagmumuni muni…at ako, nag aaral-nananaginip-nabubugnot sa pag-unawa ng mga babasahin at kung paano isulat ang mga kung anu ano.

I guess, uwing uwi na ko para makaisip na mag arroz caldo.

Subalit lulubusin ko ang mga huling araw kong ito sa Toowoomba kung saan ako dinala ni Lord. Ang timing nga naman niya oo…walang katapat! Nasa plano nya lahat ito….alam nya ang panahong magiging busy ako, magiging distracted ako, mapapariwara sa mga life priorities ko. Alam nya lahat yun. At alam din nya kung kelan nya ko bubunotin sa mga iyon para bigyan ako ng muling pagkakataon—sideline lang ang pag-aaral, paalala nya.  Ang Toowoomba memory ko ay bilang pagtanda na tumatanda na ko at ok lang magrelaks nang sa ganoon matanto ko ang katiyakan ng buhay at kamatayan, at ang paglalakbay sa katandaan…at magandang paalala na sa naiiwan kong buhay, may oras para gumawa ng arroz caldo  dahil may oras para tumigil –may oras maalala na ako ay loved---let’s stop and talk a while in the one world of Nescafe…I mean, yeah, I miss you Vic…everything about you and the meals you cook for us at our lovely Binan home….our UP squatter stint, our Teachers Village and your Mahabagin days…and see I forgot that other street name where we stayed. Only you will be able to remind me of those.

And only you who will be around as we grow old together, dearly. Id hate the idea of cooking arroz caldo alone and by myself in our Binan home. But if it has to come to that, I know I will end up doing that just to remember you, and Toowoomba, my early Phd days, God looking out for me, and having thoughts of u…arroz chicken soup for my soul.
-->

1 comment: