Sa mga panahon ngayon, ang pinakamurang pwedeng gawin ay ang managinip nalang muna. May dalang lungkot ito, dahil, kahit gaano kamura, kung sa huli ay wala kang pambayad para mabuhay ang panaginip mo, saan ka pa, diba?
Isa't kalahating taon ko din binuno ang isang panaginip. Bago duon, halos bitawan ko ang PhD dahil hindi ito kasama sa aking mga panaginip. Subalit dala ng trabaho, inangkin ko na rin ito. Tinakwil ko na ang pagpapatuloy nito sa Eduk dahil sabi ko sa sarili ko, minsan ko lang gagawin ito sa buhay ko. Gusto kong gawin sa paraang nararapat sa paningin ko. Kaya isang taon kong binuo ang isang proposal para sa isang pag-aaral na talagang akin at gusto ko. Inangkin at iniyakan pa kamo! Sa pag-aantay ng sagot mula sa iba't ibang unibersidad, sumubok akong magtagni ng bagong panaginip. Ito ang pagbitaw sa isang trabaho upang maging bukas sa ilang posibilidad, na bumuo ng bagong panaginip sa ibang institusyon kung saan maari akong magturo at tumanda nang maluwalhati dahil ilalaan ko ang oras, talino at pagod alang alang sa anak ko, at alang alang sa patuloy na paglikha ng kaalaman sa larangan ng edukasyon.
Sa puntong sinimulan ko ang bagong pananaginip, may dumating na balita mula sa QUT. Tanggap ako, subalit kelangan may salapi akong pambayad sa unang semestre dahil hindi pa naaprubahan ang aking scholarship na hindi ko alam kung may kasiguruhan dahil sa edad ko. Sabay pa noon, nalaman ko na nailimbag ang isang aklat sa India kung saan may kontribusyon ako.
Sa ilang sandali, naisip ko, may pag-asa pa pala ang PhD ko. Subalit, matapos alamin ang ilang detalye at bagay bagay, di aabot ang pera ko para man lang sa unang deposito.
Biglang napaisip ako tungkol sa mga estudyanteng ISKO at ISKA, ilang libo lang ang halaga ng kanilang panaginip at halos di magkandaugaga upang matupad ang pag-enrol sa ilang kurso, at halos magkumahog pa para sa miscellaneous fees. At naalala ko noon, sabi ko: College Ed comes at a price--there's no such thing as free tuition in universities. Aray ko....napakatotoo! Heto ako, 5.5 milyong piso ang halaga ng isang panaginip.
Nakakapikon ang kahirapan. Ang daling sabihin: TO HELL WITH PHD....TO HELL with HIGHER ED!!!
Kaso hindi lang kasi ito PHD, kundi isang hamon at pagsubok para sa akin---isang ordinaryo at medyokrrrreng UP grad (masmalutong sa Pinoy kaysa mediocre) na marahil may bahid pa ng LD; isang hambag na gurong nagpaka- trying hard magturo sa kolehiyo; isang taong walang pasensya kaya rin walang ipon. Ang gusto ko lang naman ipahiwatig ay ito: kakayanin ko ito dahil kapag ako bilang ako ay nakaya ito, eh lalo pa ibang mga tagaUP na di hamak na masmatalino pa sa kin o ibang public school teacher na malamang baka mas may pera pa sa kin. Gusto ko, balang araw, masasabi ko, kung ako nakaya ko, kakayanin rin ninyo.
O maari rin naman talagang ganito----TO HELL WITH PHD! Marami pang ibang bagong panaginip sa buhay ko.

No comments:
Post a Comment