Wednesday, December 31, 2014

Ang OA Mo!

Sabi ko nga, gusto ko na nang tahimik na Pasko hanggang Bagong Taon.
Marahil tumatanda na nga ako. At sa pagtuntong ko ng 46 ngayong taon, nakahanap ako ng katahimikan sa pamamagitan ng ganire:  simpleng oras kasama ang aking mga pinahahalagahan sa buhay.

Gusto kong manahimik nang sandali upang tandaan sila ngayong 2015 dahil sa susunod na Pasko, gagawa ako ng paraan para makapiling silang muli:

RR - buti nalang may FB messenger at gusto ko nang isang taon pang ongoing chat tayo
AJ at BL - aabangan ko ang susunod na kabanata
DM - hanggang sa muling kwentuhan tungkol sa pag-ibig at mga kinahihibangan
CC - tumatanda na talaga tayo at kay sarap malaman na may mga bago tayong mga tanong at nais    
         pang harapin sa ating buhay

Isang munting sorpresa:
FT - napaka-instant ng date natin at para bagang  ang tagal na nating magkakilala ano?

UP Rep -sige, kaya ko pa kayong ka-groupie ng 1 pang taon

At higit sa lahat, sa aking mga kapatid--tayo tayo rin naman ang mag-aalaga sa isa't isa diba.

Sa isang banda, napaka-walang kasiguruhan nang kinabukasan sa taong 2015.
At alam ko rin, muli akong bibisitahin ng pag-aalinlangan, takot, duda at mga what if's.
Subalit sana panandalian ko lamang maiisip ang mga yaon. Imbis, magdarasal nalang ako
upang patuloy na magkaroon ng lakas sa mga daraanang karanasan sa buhay.

And most of all, there will always be fun and delight in small things!
Ang OA mo...


No comments:

Post a Comment