So picture this:
Vic nakapambahay na puting T shirt, bakat ang dibdib, at kita ang kanyang mapoteng leeg. Haaay....pinagmasdan ko saglit ang kagandahan niya habang namamalengke kami sa ilalim ng ulan dito sa palengke ng Cavite City. Ang theme song na tumatakbo sa utak ko, Eheads version: "Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwaaaahahahah, tuwing umuulan at kapiling ka..."
Soooo morantic! Mga 5 minuto din naman nagtagal yaong moment na 'yon. May pa sulyap sulyap pa at pa ngiti ngiti ang aking butihing asawang dakilang tagapamalengke ng kanyang mag-anak. Natuwa sya marahil dahil matagal ko nang di ginagawa ang ganito--sinasamahan sya sa palengke.
'Pag matagal na kaseng kayong nagsasama, may mga bagay na sa totoo lang ay nakakasawa. Ako din naman ay di mapagpanggap. May ilang taon na rin akong tinatamad sa pagpunta sa Cavite: pagdaos ng semana santa, visita iglesia, piyesta, prosesyon, araw ng patay---lahat na ng tradisyon ng pamilyang Villanueva. Kinailangan ko lang ng panahong gawin ang gusto kong gawin dahil gusto ko at hindi dahil gusto ng asawa ko o dahil inaasahan itong gawin ko bilang ina para sa pagbubuklod ng pamilya. Sinubukan din naman akong unawain ni Vic. Matagal ding panahon yung pagtyatyaga nya sa aking karamutan at pangangailangan ng oras sa sarili dahil di nga ako martir na Pilipina. Unang-una, hindi talaga ako Katoliko. Ilang taon akong soloista bago ako nag-asawa. Di ko rin maalis ang pagiging ganun kahit nag-asawa na ako.
Subalit ngayong araw na ito, sinubukan ko lang muli ang pagiging butihing asawa. Nagkaroon ako ng saglit na morantic moment bilang munting paalala sa sarili ko na ang pagmamahal ay may katumbas na kilos na pang-araw araw=simpleng oras na samahan ang katuwang ko sa palengke. Hayun na muna.
But then after 20 minutes or so, waiting for Vicky husbandry to finish purchase of dry goods cuz obviously I got bored na doing the rounds with him in the wet goods area, my pagka-Knoller and ADHD kicked in. I had to request to stay in 1 spot cuz I could not stand the sight of slaughtered cow, raw beef and bones and all, as if I am an animal lover which I am totally not. The mozzies were enjoying my calves, and my mind was trying to find ways to entertain me while killing time.
Nasaan na ba si Vic!!! Errrr...
Nahalata nung mamang maggugulay sa tabi ko ang aking pagka-inip kaya inalok nya akong maupo. Ang manang naman sa harap ko, sumubo ng pandesal at sinabi pang "Kain tayo." Samantalang iniisip ko: "Dont we all deserve a cleaner market in the Philippines!!!!". Umiral ang kaartehan ko na di ko man lang inisip na ganito ang buhay ng mga tao sa palengke, sa araw araw na ginawa ng Diyos. At marahil umaasa lang naman sila nang maayos na buhay kapalit ng trabahong ginagawa nila araw araw dito sa maruming palengke ng CC.
Kaya hayun...saglit na saglit lang tumakbo ang theme song sa utak ko. Pambihirang maulang Xmas Eve! Nakakapanubok na Pasko! Sana umayos kahit paano mamaya. Ilang minutong pananahimik ang hiling ko, marahil upang pag-isipan ang pagmamahal ng Panginoon at kung bakit dapat patuloy akong gumagawa ng mga munting hakbang upang magbabalik-loob sa kanya.
Marahil romantic ang sinubukang kong gawin kaninang umaga para sa aking asawa na tingin ko deserves so much more than what I am giving. Subalit ang pagbabalik-loob sa Diyos ay dehins morantic dahil unang-una di naman madalas tao=human side ang nakikita ko sa kanya. Ang dami ko nang ginawa bilang isang anak ng Diyos. Nasa punto na ko ng "Been Der, Done Dat". Di ako agad maka relate ngayon sa "He alone can complete me" kase kadalasan ngayon, ang pangangailangan ko ay makamundo=worldly and temporal. Paano ba namang si Kristo ang sagot sa lahat, hellow. Get real! Di ko naman sya mayakap sa panahong depressed ako o ngayon mismo na gusto kong malayo sa mga lamok o amoy ng karne sa palengke.
Subalit kelangan kong untugin ang sarili ko. Ang Pasko, para sa akin ay isang paraan ng Diyos upang ipakita na kaya niyang maging tao upang ipamukha sa atin na nauunawaan niya kung paano ang mabuhay sa mundong ito. Namamalas niya ang pagod, sakit, kahirapan, pang-araw araw na kayod at paghihirap ng isang nilalang. Alam niya ang kahulugan ng paghahanap ng panandaliang ligaya, o kaluwagan. At ang buhay ni Kristo ang siyang paalala sa atin na bilang tao, na may hangganan ang buhay at lakas, patuloy dapat natin siyang hahanapin sa mga munting bagay na ginagawa para sa atin ng mga ating mahal sa buhay--katulad na lamang ng pamamalengke ng asawa ko. Karapat-dapat lamang na susubukan ko rin ang lahat upang gumawa ng ilang bagay, munti man o malaki, upang magpamalas ng pagmamahal at kabutihan kaninuman.
There is nothing...nothing really romantic about the message of Christmas at all (except the song Merry Christmas, Darling!) It's a message of TRUE love as expressed through kindness, hope and humility.
I am very much loved...therefore, give love. Let ME remember that.
Love for Vic, my children and my friends have always been my good start...so I hope it flows to my mom-- 2 days max for this season. Then ok, I'll greet my dad.

No comments:
Post a Comment