It's been a month of preparation for UPOU's graduation ceremony 2011. This time, I'm chair of the cultural committee, tasked to oversee the Tribute to the Graduates.
Of course, what motivated me the most was the UPOU Band which for the first time played when I was co-chair with a good friend and co-fac Diego Maranan year 2009.
So after a few weeks, I thought the stressful part was over. Then, a just a few days ago, the greatest challenge came to me by surprise....I 4GOT that I had to write the speech for Chancey...gahhhhd! And the shameful part was I kinda felt some disappointment when I went straight to Chancey to inquire whether she read my email. Apparently she had asked somebody else to do it for me as she had been waiting for 2 weeks for me to come up with the speech. After clarifying matters, I was still tasked to come up with the written speech, based on a 10-15 minute interview with her.
I decided to have the speech revolve around the concept of the Oblation---UP's symbol--which leaves its mark on every UP grad. Chancey Grace Javier Alfonso and National Artist Napoleon Abueva officially permitted by the Unive to sculpt the Oblation. Methinks I did well here. Thanks to Chancey, Mam Teret and Primo.
Read on....
Chancellor Grace Alfonso’s Inspirational Message
Tribute to Graduates, May 6, 2011
Mga magsisitapos ng 2011, mga guro, pamunuan, at mga kawani ng UPOU, mga panauhin, magandang hapon sa inyong lahat.
Binabati ko ang buong komunidad ng UP Open University. Ang mensahe ko sa araw na ito ay medyo naiiba dahil may mga munting kwento at aalala mula sa isang mapalad na estudyante ng UP. Tulad ninyo, ako man ay minsang isang estudyante ng UP. Nagtapos ako ng Fine Arts at naging estudyante ako ni Anastacio Caedo na naging estudyante ng isang pambansang alagad ng sining ---si Guillermo Tolentino. Ano ba ang katangiang taglay nilang dalawa bukod sa kasarian?
Malaki ang kinalaman ng dalawang gurong ito sa paglilok ng UP Oblation, isang mahalagang simbolo ng UP. Si Propesor Caedo ang isa sa mga naging modelo samantalang si Guillermo Tolentino ang naglilok.
Para sa kaalaman ng lahat, ito ang munting kwento tungkol sa ating UP Oblation. Ang pagbuo ni Oble (yan ang palayaw paminsan sa kanya) ay inspirasyon mula sa isang saknong ng Mi Ultimo Adios, huling tula ni Jose Rizal.
“Idalangin ang lahat ng yaong nangamatay,
Nangag-tiis hirap na walang kapantay para sa bayan.
Kaya ayon kay Tolentino, makikita ang pag-alay ng sarili sa bayan sa tindig, braso't kamay ng Oblation, ang ulong nakatuon sa kalangitan at pikit matang pagdarasal para sa mga bayani ng bayan. Nakatindig ang Oblation sa isang batong pedestal, nakatuntong sa arkipelago ng Pilipinas. Tatlo't kalahating metro ang taas ng Oblation, katumbas ng higit sa tatlong daang taong kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas (http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20090102-180988/Seeing-double-UP-Manila-has-2-Oblations).
Ang mga kahulugang ito ay taglay ko hanggang ngayon bilang isang alagad ng sining. Dalawa kami ni Prop. Napoleon Abueva na naatasang bumuo ng mga bagong bersyon ng Oblation mula sa orihinal na likha ni Tolentino. Binuo ko ang mga Oblation na ngayo'y namamalas ng mga estudyante sa UP Manila, Leyte, at Koronadal.
Ang UPOU oblation ang ika ____ Oblation na binuo ko para sa Unibersidad ng Pilipinas
Makikita ang iba pang bersyon ng Oblation dito sa ating kampus. Ang likhang kahoy na Oblation sa ating lobby ay ginawa naman ni Ginoong Jerry Araos. Kung inyong susuriin, isa itong lugar kung saan maaari nating isabuhay ang pag-alay ng ating sarili. May mga tuntungan o palapag sa gilid at puwang sa gitna kung nais nating gawin ang pag-aalay.
Ang puting Oblation na nasa ating Oblation Hall ay aking likha. Ito ang unang cast na binuo ko para sa UPOU. Sa pagbuo ng ating Oblation, nasa puso at damdamin ko pa rin ang mga kahulugang inihayag ni G. Guillermo Tolentino noon bilang isang lalaking alagad ng sining. Subalit higit dyan, nasa puso at damdamin ko ang kahulugan ng pagkababae sa aking likhang-sining. Sa ating kultura, ang pagkababae ang siyang katumbas ng pag-aarugang tunay na nagpapapalakas at nagpapasigla sa ating mga talino.
Habang binubuo ko sa utak at kamay ko ang ating oblation, ang namamayani sa akin ay ang konsepto ng “nurturance”. Ang edukasyon Tatak UP ang syang nasisilbing tagapangalaga at tagapag-paibayo ng ating mga kagalingan at talino bilang mga nilalang.
Sa UPOU Oblation, may karagdagang kahulugan at hamon sa inyo, mga magsisipagtapos, na syang likha at lumilikha ng teknolohiyang kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyang panahon. Bigyang pansin ninyo ang pagkakaiba ng UPOU oblation sa ibang Oblation ng UP. May telang may bakat ng dibdib ng kababaihan, ang pagkababaeng taglay ng Oblation.
Kahit saan nyo tingnan, masisilayan ninyo na may kaibahan ang oblation ng UPOU dahil dito. Sadya ko itong ginawa upang maitatak ang pagka-UPOU. Katulad ninyong UPOU gradweyt na may kakaibang lakas at talinong taglay upang harapin anumang hamon
Malinaw para sa akin na ang mga nagsipagtapos at magsisipagtapos ng UPOU ay kakaiba sa lahat ng UP gradweyt. Bakit? Siguro sa kasalukuyang panahon, ang magtapos sa paaralang residensyal ay pangkaraniwan. Hindi sila naiiba sa karamihan, noon at ngayon.
Subalit ang makatapos sa UPOU ay isang pagkakataong makapag-aral sa kakaibang paraan, makapagtapos sa pamamagitan ng modyul, internet, at Moodle, at iba- ibang anyo ng “rich media” katulad ng ginagawa natin sa UPOU na nagsisikap na sumabay sa isang kaganapang 21st century. At kasama na rito ang inyong pagsisikap. Ang mga oras at byahe na ginugol ninyo bilang mga estudyante para maka konek sa MyPortal, ang pagsusumite ng mga kahingian o requirements para mapalitan ang EXT. Lahat ng ito’y ginawa ninyo habang kumakayod kayo sa inyong trabaho dito o sa ibang lugar ng daigdig.
Naiiba kayo. Tunay na kakaiba.....
dahil UP na nga,
online pa!
Kung kaya't isapuso at isadiwa ninyo ang kahulugan ng UPOU Oblation Sa araw na ito, ang isang alagad ng sining na katulad ko ang siya namang nagbibigay pugay sa inyong lahat, mga dakilang gradweyt.
Panatilihin sa inyong katauhan ang pagka-UPOU ninyo saan mang dako ng mundo kayo mapadpad---ipagpatuloy ang pag-alay ng sarili taglay ang talinong tutugon at kikilos sa anumang problema ng bayan at ng mundo.
Sinimulan na ninyo ito sa mga komunidad na kinabibilangan ninyo kung saan naroon ang kompyuter sa harap ninyo...habang nagpapatuloy din ang buhay ninyo kasama ang inyong mga kaibigan at mahal sa buhay. Kumilos kayo katulad ng wagayway ng bandila ng ating UPOU Oblation. Mula sa lupa, at papaitaas sa langit, isabuhay ang inyong mga panaginip at adhikain bilang mga iskolar ng bayan. Sa bawat pagkilos tulad ng bandila naarawan at nauulanan, nahahanginan, kumikilos ng pakanan at pakaliwa, nag-hihintay ng hangin o kaya'y nilalabanan ang lakas nito, malaki man o maliit na galaw, taglay ninyo ang tunay na kahulugan ng UPOU Oblation, na tulad ng mga bayani, kilala man o hindi, nag-aalay ng sarili sa bayan at sa mundo.
Mabuhay kayong mga gradweyt ng UPOU. Maraming pong salamat sa inyong lahat.
A few portions here drawn and translated from the Inquirer Article:
Seeing double: UP Manila has 2 Oblations by Celia M. Bonilla
Philippine Daily Inquirer, First Posted 00:29:00 01/02/2009
Accessible here: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20090102-180988/Seeing-double-UP-Manila-has-2-Oblations
No comments:
Post a Comment